Saturday, August 3, 2013

ANG BUHAY NATIN PARANG SINE


 I’m currently watching old local films. Particularly comedy. Wala lang. Wala akong magawa kasi wala akong pasok. I’m planning to start reviewing my notes and do advance studies sa mga subjects ko this sem pero parang mas gusto ko muna mag blog ng mag blog.


“Ang buhay natin parang sine”. 100% true. Ang mundo ay isang malaking stage o TV. Ang mga tao ang mga artista. At ang buhay natin ay ang nagmimistulang istorya. Iisa ang direktor, scriptwriter, producer at kung ano o sino pang miyembro ng production staff. 

Walang iba kundi ang Diyos.

Life is truly wonderful. Kahit pa gaano kasakit ang nararanasan natin sa bawat sitwasyon, basta mananatili ang paniniwala mo sa Diyos, lahat yan malalampasan mo. Hindi tayo binibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi natin kayang lutasin. Mahal niya tayo higit pa sa pagmamahal na hinahanap natin sa mga taong nasa paligid natin. Maniwala ka lang at bigay mo ang buong tiwala mo, gagawin niya ang nararapat para sa atin. Siya lang ang may alam kung anong susunod na kaganapan sa buhay ng bawat isa. Naniniwala ako na kung anong meron tayo pangkasalukuyan, magpasalamat tayo. Masarap mabuhay kahit na minsan napanghihinaan tayo ng loob at pakiramdam natin na gusto na natin sumuko. Naisip ko lang na kung hindi natin aayusin ang bawat problemang dumarating, hindi tayo matatahimik.

Harapin! Lakasan lang yan ng loob. Dumarating talaga sa buhay ng tao yung pagiging depressed. Depressed meaning sobrang kalungkutan. Yun bang hindi mo na alam kung anong gagawin mo. Tipong maraming pumapasok sa isip mo na dumadagdag sa tindi ng kalungkutan. Dito yung wala kang matinong kaisipan at hindi makapagdesisyon ng tama. Apektado lahat ng ginagawa mo at lahat na. In short, it’s a negative feeling.

Oh well. Wala na kong masabi. HAHAHA! Kainis naman.

O siya.

Bye.



thanks doon sa nag sulat nito cant remember where blogsite i read this.

No comments:

Post a Comment