Galing ni LORD! dahil hindi niya nilagyan ng pain receptor cell ang buhok at kuko natin. Isipin mo na lang kung may pain receptor yun kakailanganin pa natin mag undergo ng general anesthesia bago tayo magpagupit ng buhok o mag putol ng kuko.
Papa Jesus please naman po pati nga po ang puso ko paki alis na lang ang pain receptor cell ang sakit sakit na po kase.
Ano ba naman kase itong salitang tinatawag na "pag-ibig" napakahirap ipaliwanag alam ko dapat ang pag-ibig dapat masaya, pero sa nakikita ko sa una lang talaga ito masaya. Hindi naman talaga totoo ang mga fairty tale yung mga gasgas na linya na "and they lived happily ever after". Nako po! Walang katotohanan yan. Sa dulo talaga mag aaway at maghihiwalay din kayo. Kaya kung kayo nasa relationship ngayon eto lang ang masasabi ko "kung ang mga kontinente nganag hihiwahiwalay kayo pa kaya eh mag bf/gf lang kayo. Taena lumalabas ang pagka bitter ko. Wala kase akong lablayp ngayon eh. Penge nga lablayp! Yung abeylabol ah!
Para sa mga kaibigan ko dyan na inlababo. Sige lang po. Enjoy nyo lang yan, lilipas din yan. Haha! Loko lang po.
Ibig kong sabihin alagaan niyo ang isa't isa, mahalin niyo ang isa't isa ng sobra sobra. Mahirap kase kapag nawala na siya sa iyo. Iyon ang pinakamahirap na nangyari sa buhay pag-ibig ko, ang mawala ang pag mamahal ng taong mahal ko. Kaya goodluck po sa inyong mga labers in the pilipins! Malay mo magbago ang pananaw ko tungkol sa pagibig. Malay niyo kayo ang living proof ng happily ever after.

Saka nga pala. Paki piks naman ng puso ko, di na kaya ng bond-aid.
No comments:
Post a Comment