"PARA SA MGA TAONG NAGMAHAL AT NASAKTAN"
Ang sabi nila ang puso daw matatag. Oo... nasasasaktan ito, nasusugatan pero naghihilom, gumagaling…Bumabawi.
Sabi nila human nature daw ang mag-move on. Masasanay din daw akong wala na and that something I might even forget.
Kailangan ko maniwala na meron taong kayang magmahal ng wagas at totoo.
Sana masabi ko sa sarili ko na handa na ang puso ko, ang kailangan na lang pasunurin ang isip ko.
Lahat ng tao sa mundong ito nasasaktan… at walang obligasyon ang mundo na protektahan ka..hindi dahil mabait ka…or meron kang mabuting puso. Hindi ibig sabihin nun makakaiwas ka na sa sakit… iiwanan ka or lolokuhin ka! It doesn’t work that way… pero pinipili ng tao ang mag-mahal… pinipili mo nang paulit ulit dahil kung hindi… parang pinili mo na rin na huwag mabuhay..
Bakit nga ba tayo nagmamahal?Nakakatakot na nakakatuwang isipin na handa kang gawin lahat…ibigay ang lahat para sa pag-ibig.
May nagsabi sa akin…minsan kailangan hahawakan ang sakit para pakawalan mo sya…kaya ginagawa ko ito ngayon…ibinubuhos ko na ngayon lahat ng hinanakit ko sa mundo…
Pakakawalan ko na! At magsisimula ulit ako…
Hahayaan kong sarili ko na masaktan..hahayaan ko ang sarili ko na maging punching bag ng mundo. Dahil alam ko, ako man nanununtok at lumalaban din.
Kasi iyon naman ang point di ba?
Ang mabuhay at malaman na nagmahal ka…at minahal ka.
Sa makakabasa nito..sana makahanap tayo ng tao na magbibigay sa atin ng lakas na maniwala sa pag-ibig…kahit walang kasiguruhan na magtatapos ang kwento nyo sa “I love you” at “Happily Ever After”…
DAHIL MAGMAHAL KA!"
No comments:
Post a Comment